Sa Dagupan City, nakararanas na ng pagkamatay ng mga isda ang ilang palaisdaan.
Matatandaang sa Sitio Calamiong, Barangay Bonuan Gueset, nasa tinatayang 20 bangus kada araw ang namamatay sa mga palaisdaan, ayon sa panayam ng IFM Dagupan noong Setyembre 27.
Ayon sa BFAR, inaasahang lalakas ang El Niño pagsapit ng huling bahagi ng 2026, na maaaring makaapekto sa kondisyon ng tubig, produksyon at kabuhayan ng sektor ng pangisdaan.
Kabilang sa mga panganib na dapat umanong bantayan ang mataas na temperatura, kakulangan sa ulan, pagbabago sa alat at dissolved oxygen, fish kill, coral bleaching, red tide, at harmful algal blooms.
Pinapayuhan ng BFAR ang mga nasa sektor ng pangisdaan na regular na obserbahan ang kondisyon ng kanilang katubigan, sundin ang wastong stocking at feeding practices, at agad na iulat ang anumang hindi pangkaraniwang pagbabago. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








