WASTE MANAGEMENT PRATICES NG MANGALDAN, SINURING DENR-EMB R1

Isinailalim sa sorpresang monitoring ng Department of Environment and Natural Resources–Environmental Management Bureau Region 1 o DENR-EMB R1 ang solid waste management practices ng Lokal na Pamahalaan ng Mangaldan at ilang paaralan noong Setyembre 29 at 30, 2026.

Sinuri ng monitoring team ang mga pasilidad tulad ng Transfer Facility at Agro-Waste Treatment Facility sa Barangay Banaoang, Public Market, Primary Care Facility at Rural Health Unit. Tiningnan din ang wastong segregation, recycling, composting at pangangasiwa sa medical waste.

Binisita rin ang Lanas Elementary School at Mangaldan National High School. Nakita sa Lanas Elementary ang maayos na segregation, recycling at composting, habang ipinatutupad naman sa Mangaldan National High School ang Zero Plastic Policy.

Sa isinagawang exit conference, sinabi ng DENR na compliant ang LGU Mangaldan sa sampung sinuring area o indicator, alinsunod sa Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000.

Nagbigay rin ang DENR-EMB R1 ng mga rekomendasyon para sa pagpapaunlad ng bagong 10-Year Solid Waste Management Plan ng bayan.

Patuloy naman ang LGU Mangaldan sa pagpapatupad ng mga programa para sa mas maayos na pamamahala ng basura at mas ligtas at malusog na komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments