Saturday, October 3, 2026

₱408.45 BILYON, NAITALANG ECONOMIC OUTPUT SA PANGASINAN; POVERTY INCIDENCE BUMABA

Patuloy na nagpapakita ng paglago ang ekonomiya ng Pangasinan matapos umabot sa ₱408.45 bilyon ang economic output ng lalawigan noong nakaraang taon, batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) at Department of Economy, Planning and Development (DEPDev).

Ayon sa datos, ang naturang halaga ang pinakamalaking economic output sa buong Region 1, na nagpapakita ng mahalagang kontribusyon ng Pangasinan sa ekonomiya ng Ilocos Region.

Kasabay ng paglago ng economic output, iniulat din ang pagbaba ng poverty incidence sa lalawigan.

Ayon sa pahayag, mahalaga ang sama-samang pagkilos ng iba’t ibang sektor upang mapalawak pa ang mga oportunidad at matiyak na mas maraming Pangasinense ang makikinabang sa patuloy na pag-unlad ng lalawigan.

Patuloy na pagtutulungan ng pamahalaan, pribadong sektor at mga mamamayan ang nakikitang mahalaga upang mapalago pa ang ekonomiya ng Pangasinan at higit na maramdaman ng bawat Pangasinense ang benepisyo ng pag-unlad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments