Monday, June 29, 2026

BFP Las Piñas, bigo pa ring mahanap ang 2 kawani ng isang water concessionaire na na-trap sa ginagawang hukay matapos ang halos 17 oras

Bigo pa rin ang Las Piñas Bureau of Fire Protection (BFP) na mahanap ang dalawang tauhan ng isang water concessionaire sa isang pribadong village sa Pamplona Dos, Las Piñas City na na-trap sa gumuhong hukay sa bahagi ng kalsada.
 
Base sa whiteboard ng BFP, dalawa sa pitong nagtatrabaho sa lugar ay mga Chinese national.
 
Isa naman sa limang survivor ang nasugatan at dinala na sa ospital.
 
Base sa report, dakong alas-2:45 ng hapon kahapon nang mangyari ang insidente.
 
Dakong alas-4:30 ng hapon sinimulan ang pagbuo ng water pump at suction hose.
 
Alas-7:30 ng gabi naman nang sinimulan ang pagbomba ng tubig sa hukay.
 
Nasa area na rin ang Las Piñas City engineer upang subaybayan ang operasyon.

Facebook Comments