
Nag-deploy na ang Eastern Police District (EPD) ng mga pulis sa Eastern Metro Manila kasunod ng mga trahedya sa mga paaralan.
Partikular na nag-deploy ng mga tauhan ang EPD sa mga eskwelahan sa Pasig, Mandaluyong, Marikina, at San Juan.
Layon nito na maprotektahan ang mga estudyante, mga guro, mga magulang at school personnel, lalo na sa oras ng pagdagsa ng mga mag-aaral sa eskwelahan at sa dismissal hours.
Nais din ng EPD na mahadlangan ang ano mang bantang karahasan sa mga eskwelahan.
Facebook Comments










