Tuesday, June 23, 2026

70-metrong dam sa Mananga River, itatayo ng pamahalaan bilang pangmatagalang plano laban sa baha —PBBM

Planong magpatayo ng pamahalaan ng 70-meter dam sa Mananga River bipang maiwasan ang matinding pagbaha at pinsala sa Cebu tuwing may malalakas na bagyo.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., isa ang Mananga River sa mga pangunahing sanhi ng pagbaha sa lalawigan kaya kinakailangan ang mas matibay at pangmatagalang solusyon upang maprotektahan ang mga komunidad.

Sinabi ng Pangulo na bagama’t nakatulong na ang rehabilitasyon ng mga flood control structure, pagpapalawak ng drainage system, at relokasyon ng mga residenteng nasa danger zone, kailangan pa ng karagdagang hakbang upang maiwasan ang pag-ulit ng matinding pagbaha.

Nakapaloob na aniya ito sa National Expenditure Program para sa 2027 ang planong dam project na inaasahang kokontrol sa pagdaloy ng tubig mula sa itaas ng ilog bago ito umabot sa mga mabababang lugar sa Cebu.

Facebook Comments