Monday, June 29, 2026

Mas malawak na digital access sa buong bansa, iginiit ng Globe Telecom

Hindi sapat ang iisang teknolohiya para mapagdugtong ang buong Pilipinas! Ito ang iginiit ng Globe Telecom sa gitna ng pagpasok ng mas maraming satellite internet provider sa bansa.

Ayon sa Globe, hindi dapat pagtalunan kung alin ang mas mahusay, satellite o mobile network dahil kapwa may mahalagang papel ang mga ito sa pagpapalawak ng internet access.

Ang tunay na hamon ay matiyak na lahat ng Pilipino, saan mang sulok ng bansa, ay may maaasahan at ligtas na koneksyon.

Binigyang-diin ng Globe na kailangang magtulungan ang mga telco, regulator, technology provider at pamahalaan upang mapalawak ang digital access sa buong bansa.

Nakipag-partner na rin ang Globe sa Starlink para sa satellite-to-mobile connectivity at nagamit na rin ang satellite-based communication sa emergency response operations sa Mindanao.

Facebook Comments