BFP Manila, napasugod sa Court of Appeals dahil sa prank call

Napasugod ang Bureau of Fire Protection (BFP) Manila sa Court of Appeals (CA) kaninang tanghali.

Ito ay matapos makatanggap ng impormasyon na nasusunog ang gusali ng CA.

Gayunman, matapos ang inspeksiyon sa palibot ng gusali ay natukoy ng na ‘false alarm’ lang ang impormasyon.


Ayon kay BFP Manila Inspector Luke Challongen, maituturing na ‘prank call’ ang natanggap nilang impormasyon.

Facebook Comments