Pansamantalang mawawalan ng suplay ng tubig ang lahat ng barangay sa bayan ng San Fabian, Pangasinan sa Biyernes, Nobyembre 20, 2026, mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali.
Sa abisong inilabas ng Villages Water – Pangasinan Inc., isasagawa ang malawakang pagkukumpuni sa linya ng tubo ng tubig sa Barangay Angio na magdudulot ng pansamantalang pagkaantala ng serbisyo sa buong bayan.
Kaugnay nito, pinapayuhan ang mga residente na mag-imbak ng sapat na tubig bago ang nakatakdang pagkukumpuni upang matiyak ang kanilang pangangailangan habang suspendido ang serbisyo.
Hinihiling naman ng pamunuan ang pang-unawa at kooperasyon ng publiko habang isinasagawa ang naturang pagkukumpuni. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








