BGen. Torre III, magpapahinga muna matapos magbitiw sa pwesto

Nagbitiw na si Quezon City Police District (QCPD) Director PBGen. Nicolas Torre III.

Ito ay matapos mapuna ng publiko ang tila pag-aabugado nito kay Wilfredo Gonzales na dating pulis na nag-trending sa social media dahil sa pananakit at pagkasa ng baril sa isang siklista sa QC kamakailan.

Napuna kasi ng ilan na hinayaan ni Gen. Torre na magpa-presscon si Gonzales.


Depensa nito, kaya nya hinayaan si Gonzales na magpa-presscon ay dahil nasa labas nuon ng kanyang opisina ang mga media na nakitang kausap nya si Gonzales.

Sa pakikipag-ugnayan natin kay Torre sinabi nitong magpapahinga muna siya pero nangako itong makikipagtulungan pa rin sa isinasagawang imbestigasyon.

Aniya, nakausap na niya si Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Benjamin Acorda at tinanggap naman ang kanyang resignation.

Sa ngayon, wala pang officer-in-charge si Torre bilang director ng QCPD.

Facebook Comments