Wednesday, September 2, 2026

Mahigit P4-M na milyong pisong halaga ng produktong petrolyo, nasabat sa Zambales; 5, arestado

Arestado ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang 5 indibidwal sa dalawang magkakahiwalay na buy-bust operation sa Zambales.

Ayon sa ulat ng pulisya, napagalaman na ang mga gasoline station sa Masinloc ất San Narciso ay nagbebenta ng produktong petrolyo na walang kaukulang dokumento mula sa Department of Energy.

Dahil diyo, nakumpiska sa nasabing mga operasyon ang nasa 50,737 na litre ng petrolyo na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit 4 na milyong piso.

Nahaharap naman sa kaukulang kaso ang mga nasabing naarestong indibidwal.

Facebook Comments