Thursday, September 3, 2026

Patrol Vehicle ni MMDA GM Torre, kinumpirma ni Chairman Artes na dumaan sa EDSA Busway

Kinumpirma ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Atty. Don Artes na personal na sasakyan ni General Manager Nicolas Torre III ang nag-viral na marked vehicle na dumaan sa EDSA Busway.

Ipinaliwanag naman ni Torre na mino-monitor lamang niya noon ang sitwasyon ng trapiko kaugnay ng mga ginagawang kalsada sa EDSA Guadalupe Bridge.

Tiniyak naman ni Chairman Artes na hindi maaapektuhan ang pang-araw-araw na tungkulin at trabaho ni Torre sa MMDA habang patuloy na gumugulong ang pagsisiyasat sa insidente.

​Isinuko na ni Torre ang sasakyan sa Land Transportation Office (LTO) bilang pagtalima sa inilabas na Show Cause Order, habang ipinauubaya na ng MMDA sa LTO ang kabuuang imbestigasyon.

​Inaalam na rin ng LTO kung bakit nakakabit sa naturang sasakyan ang isang Red Plate na napag-alamang nakarehistro pala sa isang MMDA truck.

Facebook Comments