Saturday, May 16, 2026

MAHIGIT 300 MANAOAGUEÑO, NAKINABANG SA LIBRENG DRIVING COURSE

Mahigit 300 residente ang lumahok sa isinagawang 2-day Theoretical Driving Course (TDC) sa bayan sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan at Land Transportation Office (LTO) Binalonan District Office.

Ito ang ikaapat na batch ng naturang pagsasanay, na nagdala na ng kabuuang mahigit 900 kalahok mula sa Manaoag mula nang ipatupad ang programa.

Sa loob ng dalawang araw, sumailalim ang mga kalahok sa diskusyon tungkol sa road safety, traffic rules and regulations, at tamang asal sa pagmamaneho bilang bahagi ng paghahanda sa pagkuha ng lisensya.

Ayon sa lokal na pamahalaan, layunin ng aktibidad na palawakin ang kaalaman ng mga motorista at matulungan silang makasunod sa mga regulasyon sa kalsada bago sila bigyan ng karapatang magmaneho.

Patuloy na isinusulong ang programa upang mas marami pang residente ang mabigyan ng pagkakataong makakuha ng kinakailangang pagsasanay nang walang dagdag na gastos. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments