Monday, July 13, 2026

BIDA-PADYAK 2026, GINAMIT NA PLATAPORMA SA PAGSUSULONG NG MENTAL HEALTH AWARENESS SA ALAMINOS CITY

Binigyang-diin ng Lokal na Pamahalaang Lungsod ng Alaminos ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalusugang pangkaisipan ng mga kabataan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng “Kabataang Aktibo, Komunidad na Positibo” Bida-Padyak 2026, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Mental Health Awareness Month.

Layunin ng aktibidad na hikayatin ang mga kabataan na maging aktibo sa mga gawaing pangkomunidad habang isinusulong ang kamalayan sa mental health, pagkakaisa, at positibong pamumuhay.

Dumalo sa programa ang mga kinatawan ng pamahalaang lungsod at sektor ng kabataan.

Bilang bahagi ng programa, nagbigay ng talakayan si Nurse IV Jerome C. Amores tungkol sa kahalagahan ng pangangalaga sa mental health at kung paano ito mapananatili sa pamamagitan ng malusog na pamumuhay at suporta ng komunidad.

Pinangunahan ng Alaminos City Youth and Sports Development Office at ng Sangguniang Kabataan, katuwang ang iba’t ibang organisasyon, ang matagumpay na pagsasagawa ng programa.

Layunin nitong palakasin ang disiplina, pagkakaisa, at aktibong pakikilahok ng kabataan, kasabay ng pagpapatibay ng ugnayan ng pamahalaan at komunidad tungo sa isang mas ligtas, mas maayos, at mas inklusibong Alaminos City.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments