Nagsagawa ng pagpupulong ang Lokal na Pamahalaan ng Tayug kaugnay ng isinusulong na Clean and Green Program noong Hulyo 2, 2026.
Batay sa ulat, ito ay para sa koordinasyon ng iba’t ibang sektor sa pagpapanatili ng kalinisan, kaayusan, at pangangalaga sa kapaligiran sa buong bayan.
Kabilang sa mga tinalakay ang papel ng mga ahensya at mga barangay sa pagpapatupad ng mga programa kaugnay sa kalinisan at pangangalaga sa kapaligiran.
Ayon sa lokal na pamahalaan, ang koordinasyon ng iba’t ibang sektor ay target isulong ang Clean and Green Program sa mga barangay sa pamamagitan ng mga nakaplanong aktibidad.
Dinaluhan ang pulong ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang tanggapan at ahensya ng pamahalaan, kabilang ang Municipal Local Government Operations Office (MLGOO), PNP Tayug Municipal Police Station, at Bureau of Fire Protection (BFP).
Nakibahagi rin ang mga Punong Barangay, Head ng CVO, at mga Sangguniang Chairperson mula sa bawat barangay ng Tayug. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








