Monday, July 13, 2026

COMMUNITY OUTREACH PROGRAM, ISINAGAWA NG MANGALDAN MPS BILANG PAGDIRIWANG NG POLICE COMMUNITY RELATIONS MONTH

Nagsagawa ng Community Outreach Program ang Mangaldan Municipal Police Station (MPS) sa Barangay Tebag, Mangaldan, Pangasinan bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-31 Police Community Relations (PCR) Month.

Pinangunahan ang aktibidad ng mga tauhan ng Mangaldan MPS na may layuning higit pang mapalakas ang ugnayan ng Philippine National Police at ng komunidad sa pamamagitan ng makabuluhang serbisyo publiko at aktibong pakikipag-ugnayan sa mga residente.
Sa isinagawang outreach program, naghatid ang pulisya ng iba’t ibang tulong at serbisyo para sa mga residente ng Barangay Tebag. Layunin din nitong isulong ang diwa ng bolunterismo, malasakit, at sama-samang pananagutan sa pagtataguyod ng isang ligtas at matatag na pamayanan.

Ayon kay PLTCOL Perlito R. Tuayon, Chief of Police, ang mga ganitong programa ay nagpapakita na ang tungkulin ng Philippine National Police ay hindi lamang nakatuon sa pagpapatupad ng batas kundi maging sa pagpapalakas ng tiwala, kooperasyon, at pagkakaisa sa pagitan ng pulisya at ng mamamayan.

Binigyang-diin din niya na nananatiling nakatuon ang Mangaldan Municipal Police Station sa pagbibigay ng maagap, makatao, at serbisyong nakasentro sa pangangailangan ng komunidad bilang bahagi ng kanilang patuloy na pagsusulong ng kapayapaan at kaayusan sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments