
Inihayag ng defense team ni Vice President Sara Duterte na hindi nila binibilang kung ilan ang naging panalo o talo kada araw sa nasabing nagpapatuloy na impeachment trial sa Senado.
Ayon kay Atty. Michael Poa, pangalawang araw at nasa unang testigo pa lang ang nasabing trial kung kaya’t masyado pang maaga para matukoy ito.
Ipinaliwanag ni Poa na kaya’t sila ay may objections ay dahil ilan sa mga katanungan umano ng prosekyusyon ay maaaring makaimpluwensya sa testimonya ng testigo.
Dagdag pa ni Poa, naniniwala ang defense team na kailangan na maayos ang mga records na ipinipresenta dahil may iilang mga dokumento na sa tingin nila ay hindi naka-attach sa orihinal na reklamo.
Kung saan ilan din rito ay hindi saklaw ng taon kung saan impeacheable officer ang bise presidente.
Samantala, itinanggi ni Poa na may layunin umanong mang-intimidate ang bise presidente sa pagpunta nito sa Senado kahapon.
Binigyang-diin ni Poa na ang pagtungo ng bise presidente ay para makipagpulong lamang at hindi na dapat bigyan ng iba pang kahulugan.










