
Nagsagawa ang Santiago Municipal Police Station (MPS) ng isang school-based awareness lecture sa Santiago Catholic School bilang bahagi ng kampanya nito laban sa bullying at iba pang paglabag na may kaugnayan sa paaralan.
Layunin ng programa na mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa iba’t ibang uri at epekto ng bullying, gayundin ang mga ipinagbabawal na gawain sa loob ng paaralan at ang posibleng pananagutang legal na kaakibat ng mga ito.
Sa isinagawang talakayan, binigyang-diin ng mga pulis ang kahalagahan ng disiplina, paggalang, at pananagutan upang mapanatili ang isang ligtas at maayos na kapaligiran sa pag-aaral.
Hinikayat din ang mga mag-aaral na maging responsable, magalang, at mapagmatyag sa kanilang kapwa upang maiwasan ang anumang insidente ng pang-aapi at iba pang school-related offenses.
Sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok ng mga estudyante, muling iginiit ng Santiago MPS na karapatan ng bawat mag-aaral ang makapag-aral sa isang ligtas at mapayapang paaralan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










