BIFF at mga followers, sumuko sa militar

Sumuko sa tropa ng militar sa Ampatuan Maguindanao ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) Division Commander at lima nitong followers.

Ayon kay Western Mindanao Command Commander Lt. Gen. Corleto Vinluan Jr., kinilala ang sumuko na si Abunawas Ibad Damiog alyas Bayawak na nagsisilbing 4th Division Commander o Deputy for Military ng BIFF-Bungos Faction.

Habang ang kanyang mga followers na sumuko ay sina Yasser Bago Abunawas, Anwar Alim Sangki, Olon Bago Abunawas, Mohammad Kanakan Ibad, at Dihan Abdul Ali.


Isinuko rin ng mga ito ang kanilang anim na mga matataas na kalibre ng armas at mga bala.

 

Sa ngayon may kabuuang 42 BIFF personalities na ang sumuko sa Joint Task Force Central.

Facebook Comments