Lungsod ng Maynila, kabilang sa ‘world’s best cities’ ng Time Out Index 2022

84

Pasok ang lungsod ng Maynila bilang isa sa “world’s best cities of 2022”.

Ito ay batay sa inilabas ng Time Out Index 2022 kung saan nasa ika-34 na pwesto ang Maynila mula sa 53 siyudad na kabilang sa listahan ng global magazine.

Isinagawa ng Time Out Index 2022 ang pagpili na sa kabila ng kaguluhang dulot ng sobrang populasyon at maging ang nararanasang trapiko sa lugar ay taglay pa rin ng naturang lungsod ang mayamang sining at kultura.


Dagdag pa, nagawa rin na makabangon ng lungsod sa COVID-19 pandemic dahil sa pinaigting at pinalakas na vaccination rollout nito.

Samantala, kabilang din sa top 10 ng best cities ang Edinburgh sa Scotland; Chicago sa US; Medellin sa Colombia; Glasgow sa Scotland; Amsterdam sa The Netherlands; Prague, Capital City ng Czech Republic; Marrakech sa Morocco; Berlin sa Germany; Montreal sa Canada at Copenhagen sa Denmark.

Facebook Comments