Thursday, August 27, 2026

Yellow at Red Alert Status, muling itataas sa Visayas Grid mamayang hapon hanggang gabi

Muling itataas sa Yellow at Red Alert ang Visayas Grid mamayang hapon hanggang gabi.

Ang red alert ay itataas mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-8:00 ng gabi.

Itinataas ang red alert kapag hindi sapat ang suplay ng kuryente upang matugunan ang pangangailangan ng mga konsyumer at ang regulating requirement ng transmission grid.

Habang ang yellow alert naman ay itataas dakong alas-2:00 hanggang alas-5:00 ng hapon at muling ipatutupad mula alas-8:00 hanggang alas-9:00 ng gabi.

Ang Yellow Alert ay inilalabas kapag hindi sapat ang operating margin upang matugunan ang contingency requirement ng transmission grid.

Kabilang sa mga pangunahing dahilan ng pagdeklara ng Red at Yellow Alert ang kawalan ng operasyon ng malalaking coal plant sa Visayas, kabilang ang TVI 1, TVI 2, at KSPC 1.

Kasama pa rito ang limitadong pag-angkat ng kuryente mula sa Mindanao.

Facebook Comments