
Nanawagan si Philippine National Police – Anti-Cybercrime Group (PNP – ACG) Chief Maj. Gen. Wilson Asueta sa mga tagapagpatupad ng batas na amyendahan ang umiiral na Sim Card Registration Act.
Ito ay kasunod entrapment operation na isinagawa ng unit na nagresulta sa pagkakaaresto sa isang 26 na taong gulang na lalaki na nagbebenta ng registered SIM cards sa social media sa Bulacan.
Ayon kay Asueta, hindi epektibo ang nasabing batas at kailangan ng bagong mga provision dito at halos lahat ng cybercrime ay nagsisimula sa mga sim cards .
Dahil dito ay inirerekomenda niya ang paggamit ng National ID bilang requirement sa nasabing SIM Card Registration.
Kaugnay nito, ang naarestong indibidwal naman ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 7, ang Subsequent Sale of Registered SIM Card ng Republic Act (RA) 11934 ng SIM Registration Act of 2022), in relation sa Section 6 ng RA 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012.










