Tuesday, September 1, 2026

5 Associate Justice ng SC, inimbitahang mag-apply bilang susunod na Chief Justice

Kinumpirma ng Korte Suprema na inimbitahan ng Judicial and Bar Council ang lima nilang senior Associate Justices na mag-apply bilang susunod na Punong Mahistrado.

Ito ay sa harap ng napipintong pagreretiro ni Chief Justice Alexander Gesmundo sa Nobyembre.

Ayon kay Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Ting, inimbitahan ng JBC na mag-apply sina Senior Associate Justice Marvic Leonen at Associate Justices Alfredo Benjamin Caguioa, Ramon Paul Hernando at Henri Jean Paul Inting

Paglilinaw ni Atty. Ting, dati nang ginagawa ang pag-imbita sa limang pinaka-senior Associate Justices na mag-apply bilang Chief Justice bilang kortesiya at pagkilala sa kanilang seniority.

Kalaunan aniya ay naging polisiya na rin ito ng JBC.

Itinalaga si CJ Gesmundo bilang Associate Justice ng SC noong 2017 at naupo namang punong mahistrado noong 2021.

Facebook Comments