
Sinisilip na ng Ombudsman ang pagiging epicenter ng Davao City pagdating sa mga maanomalyang flood control projects kung saan maraming pondong pumasok bago pa dumating ang Marcos Jr. Administration.
Sinabi ito ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla sa pagdinig ng House Appropriations Committee sa panukalang 2027 budget para sa Ombudsman.
Diin ni Remulla, ang ecosystem ng korapsyon sa Davao kaugnay sa flood control projects ay mabigat at mahirap pasukin.
Ayon kay Remulla, nahihirapan silang kumuha ng impormasyon dahil maraming ayaw magsalita pero hindi sila titigil.
Facebook Comments










