
Nagpapatuloy ang isinasagawang kilos protesta ng iba’t ibang grupo sa harapan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ngayong hapon.
Ayon kay Kilusang Mayo Uno Chairperson Jerome Adonis, layon nitong ilabas ang kanilang hinaing sa pamahalaan kabilang na ang panawagan sa sahod.
Mamaya, magtutungo naman sila sa Liwasang Bonifacio para magsagawa ng programa bago inaasahang magmartsa patungong Mendiola alas-5:00 ng hapon.
Nasa humigit-kumulang 300 indibidwal ang kasalukuyang nagtitipon ngayon ayon na rin kay Adonis at sa Manila Police District (MPD).
Mahigpit naman na seguridad ang ipinatutupad habang nananatiling bukas sa mga motorista ang kahabaan ng Muralla Street.
Facebook Comments










