Thursday, September 24, 2026

Necrological service para sa yumaong Batanes Rep. Ciriaco Jun Gato, iasasagawa ngayong araw ng Kamara v

Alas-nuwebe ngayong umaga nakatakda ang necrological service ng House of Representatives para sa yumaong si Batanes Rep. Ciriaco “Jun” Gato Jr. na pangungunahan nina Speaker Faustino “Bojie” Dy III at Majority Leader Sandro Marcos.

Bukod kay Speaker Dy ay nakalinyang magbigay ng eulogy sina Representatives Kristine Singson-Meehan, Wilfrido Mark Enverga, Joseph “Jojo” Lara, at Jaime Fresnedi gayundin sina dating Batangas Rep. Mark Llandro “Dong” Mendoza, Dr. Edwin Mercado, Dr. Charlotte Chiong, at Dr. Gerardo “Gap” Legaspi.

Pormal ding ibibigay sa pamilya ni Gato ang House resolution 1470 na nagpapahayag ng pakikidalamhati ng Kamara at kumikilala din sa mahusay nitong serbisyo sa mga kababayang Ivatan at sa buong bansa.

Si Gato ay sumakabilang-buhay nitong September 21 sa edad na 66.

Siya ay isang doktor ng medisina bago naging kongresista kung saan siya ay naging chairman ng House Committee on Health at nagsulong ng mga panukalang batas na magpapahusay sa serbisyong pangkalusugan sa mamamayan.

Facebook Comments