Thursday, June 11, 2026

Bilang ng mga napaulat nasawi, umabot na sa 45; 630 indibidwal, napaulat na nasugatan kasunod ng 7.8 magnitude na lindol sa ilang bahagi ng Mindanao

Aabot na sa 45 indibidwal ang napaulat na nasawi kasunod ng 7.8 magnitude na lindol na tumama sa ilang bahagi ng Mindanao ayon ito sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Habang nasa 630 naman na indibidwal ang napaulat na sugatan at 17 ang nananatiling nawawala.

Samantala , nasa kabuuang 35,673 na pamilya ang naitalang naapektuhan ng nasabing lindol mula 199 na mga barangay sa Region 9,11,12 at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Nasa 6,314 na pamilya o katumbas naman ng 24,228 na katao ang nananatili sa loob ng mga evacuations centers.

Habang nasa 1,815 na pamilya naman ang naitalang nananatili sa labas ng mga evacuations.

Patuloy naman ang isinasagawang operasyon ng ibat-ibang ahensya ng pamahalaan para tumugon sa pangangailangan ng mga apektadong residente sa mga nasabing lugar.

Facebook Comments