
Iginiit ni Senator Ping Lacson na dapat sa session hall sila hinarap at dinebate ni Senator Alan Peter Cayetano.
Tugon ito ni Lacson sa patuloy na paggiit ni Cayetano na siya pa rin ang Senate President at sa ginawa ng bagong majority block na pagdeklarang bakante ang posisyon bilang senate president at pagtalaga kay Senator Sherwin Gatchalian bilang acting senate president.
Ayon kay Lacson, mahirap makipagdebate kung sa Facebook laging nagsasalita si Cayetano.
Giit ni Lacson, tatlong araw silang naghintay sa pagsipot ni Cayetano sa plenaryo para makapagdaos ng sesyon, pero hindi ito nagpakita para gampanan ang trabaho bilang senate president sa halip ay laging sa facebook lamang nagsasalita.
Para sa bagong mayorya, bakante sa ngayon ang posisyon na senate president.
Ito aniya ang dahilan kaya acting senate president muna si Gatchalian dahill kulang pa sila ng isa para maging trese at upang pormal na makapaghalal at maitalagang senate president ang nabanggit na senador.










