
Pinag-aaralan ng mga miyembro ng House Prosecution Panel kung kailangan ba nilang sampahan ng malicious prosecution case ang mister ni Vice President Sara Duterte na si Atty. Manases Carpio.
Sinabi ito ni House Prosecutor at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon makaraang ibasura ng Quezon City Prosecutor’s Office ang reklamong inihain ng mister ni Carpio laban sa paglalabas ng kanilang bank transaction records.
Kabilang sa kinasuhan ni Carpio ay si Ridon at ilang pang miyembro ng House Prosecution Team at mga opisyal din ng gobyerno.
Ayon kay Ridon, sa pasya ng Quezon City Prosecutor’s Office ay napatunayan na walang batayan, basura, at panggulo lang kasong isinampa sa kanila ni Carpio.
Facebook Comments










