Bilang ng nasawi sa pananalasa ng Hurricane Ian sa Southeastern United States, sumampa na sa 85

75

Sumampa na sa 85 indibidwal ang bilang ng mga namatay sa Southeastern United States matapos ang pananalasa ng Hurricane Ian na inilagay sa Category 4.

Daan-daang katao naman ang na-rescue ng emergency workers, habang inaasahang aabot sa bilyon-bilyong dolyar ang pinsala na idinulot ng Hurricane Ian sa mga residente ng Florida at Carolinas.

Ayon sa mga awtoridad, asahan na tataas pa ang bilang ng mga nasawi dahil sa nagpapatuloy na search and rescue operations.


Facebook Comments