
Umabot na sa 761 barangay ang naapektuhan ng mga nagdaang bagyong Luis at Maymay, ayon sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Social Welfare and Development – Disaster Response Management.
Kabilang dito ang 80,605 na pamilya o katumbas ng 280, 405 katao.
Samantala, kasalukuyan namang nasa 52 evacuation center sa mga rehiyon ang 1, 734 pamilya o katumbas ng 5, 320 katao; habang pansamantala namang nakikituloy sa mga kaanak o kakilala ang 458 na pamilya o katumbas na 1, 443.
Ayon sa DSWD, nakalap ang nasabing mga datos mula sa Cordillera Administrative Region, Region 1 hanggang 3, CALABARZON, MIMAROPA, Region 5 at 9.
Samantala, umabot na rin sa P6.37 million ang humanitarian assistance na naipamahagi ng ahensya sa mga apektadong pamilya, habang may P6.1 billion pa naman umanong available relief resources.










