Friday, August 7, 2026

Personal foreign trip ng isang senador, hindi na kailangan ng travel authority mula sa Senado

Hindi na kakailanganin ng travel authority mula sa opisina ng Senate president kung ang foreign travel ng isang senador ay personal.

Ito ang tugon ni Senate President Sherwin Gatchalian nang matanong tungkol sa pag-alis ng mag-inang Senator Loren Legarda at Batangas Rep. Leandro Leviste ng bansa sa magkahiwalay na flights.

Ayon kay Gatchalian, kapag personal ang biyahe ay hindi na kailangang kumuha ng travel authority mula sa Senado.

Gayunman, sinabi ni Gatchalian na wala siyang impormasyon tungkol sa byahe ni Legarda at hindi rin sila nag-uusap ng senadora tungkol sa mga biyahe nito sa abroad.

Samantala, kinumpirma naman ni Senate Secretary Renato Bantug Jr., na noong August 3 ay nagpadala ng liham ag chief of staff ni Legarda para ipaalam sa Office of the Secretary na naka-medical leave ang senadora mula August 3 hanggang 5.

Matatandaang mula Lunes hanggang nitong Miyerkules ay hindi dumalo si Legarda ng impeachment trial at maging ng regular session sa Senado.

Facebook Comments