Friday, August 7, 2026

Tulong para sa mga apektadong pamilya ng hanging habagat at mga bagyo, patuloy na ipinapaabot ng DSWD

Patuloy ang paghahatid ng tulong at suporta ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilyang naapektuhan ng hanging habagat at mga bagyong Luis at Maymay.

Sa pinakahuling datos na inilabas ng ahensya, umaabot na umano sa 3, 739 family food packs, 634 ready-to-eat food boxes, at 266 non-food items ang naipamahagi ng ahensya sa mga lokal na pamahalaan ng Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol Region, at Zamboanga Peninsula.

Dagdag pa rito, tinatayang umabot na sa mahigit 26-k na pamilya o halos mahigit 88-K katao mula sa 290 na barangay sa nasabing mga rehiyon ang naapektuhan ng masamang panahon.

Gayunpaman, nananatili umanong nakaalerto ang mga disaster response team ng ahensya sa mga rehiyon para sa agarang pagtugon sa pangailangan ng mga apektadong lugar.

Sa ngayon, may mahigit 5 milyong family food packs, kasama ang iba pang relief goods, at may mahigit P6 billion pang halaga ng mga relief resource na nakahanda para sa mga maaapektuhan ng mga kalamidad.

Facebook Comments