Saturday, August 8, 2026

Registration sa Provisional Authority to Operate o PAO, malugod na tinanggap ng Motorcycle Taxi Riders Organization

Welcome sa Motorcycle Taxi Riders Organization o METRO ang pagbubukas ng registration ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB para sa Provisional Authority to Operate o PAO.

Mahalagang hakbang umano ito para sa opisyal na pagkilala at pagrerehistro ng mga lehitimong motorcycle taxi rider, na poprotekta sa kabuhayan ng mga lehitimong rider, na nararapat umanong makinabang sa benepisyo ng pamahalaan.

Dagdag pa rito, mapapanatili rin umano ng PAO registration ang pagbibigay ng ligtas na serbisyo at pagpapalakas ng accoutanbility ng mga rider sa publiko.

Samantala, binigyang diin naman ni METRO Co-Convenor Jason Luna na mahalagang malinis ang rider registry, lalo’t laganap umano ang mga ulat kaugnay ng “ghost riders”.

Kasabay nito, nanawagan rin ang METRO sa lahat ng motorcycle taxi riders na makiisa sa nasabing registration.

Facebook Comments