Saturday, August 8, 2026

Driver ng taxi na nang-scam ng dayuhang vlogger, nahuli na; operasyon ng taxi unit, sinuspinde

Nahuli na ang driver ng taxi na umano’y naningil ng mahigit P2,000 sa isang dayuhan para sa limang minutong byahe mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Nadiskubre din sa operasyon na may iba pang paglabag ang operator ng sasakyan, gaya ng Defective Headlight, Unregistered Motor Vehicle, at Breach of Franchise.

Ayon sa Land Transportation Office o LTO, inimpound at inalarma na ang sasakyang ginamit sa insidente at pinagpapaliwanag na rin ang operator nito.

Samantala, maliban sa LTO ay nag-isyu rin ng show cause order ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board laban sa operator ng sasakyan para ipaliwanag ang umano’y hindi pagbibigay ng ligtas, maaasahan, at convenient na serbisyo sa pasahero, maging sa umano’y labis na paniningil.

Ikakasa ng LTFRB nag pagdinig sa August 19, habang suspendido naman sa loob ng 30 araw ang operasyon ng nasabing taxi unit, habang gumugulong pa ang imbestigasyon.

Facebook Comments