Bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, umabot na sa 18,638

85

Nadagdagan pa ng 552 bagong kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa bansa.


Sa pinakahuling validation ng Department of Health (DOH), umabot na sa 18,638 ang kabuuang kaso ng COVID-19.

119 rito ang naitalang fresh cases sa nakalipas na 3 araw habang 433 ang late cases sa nagdaang apat na araw o higit pa.

Mula sa 119 fresh cases, 94 dito ang mula sa National Capital Region (NCR), isa (1) sa Region 7, apat (4) mula sa repatriates, at 20 mula sa iba’t ibang lugar.

Habang sa 433 late cases, 137 ang mula sa NCR, 98 sa Region 7, 16 sa repatriates at 182 sa ibang lugar sa bansa.

Umabot naman sa 3,979 ang mga gumaling na sa sakit na nadagdagan ng 70 new recoveries.

Tatlo (3) naman ang mga nasawi na sumampa na sa 960 COVID-19 related deaths.




Samantala, pumalo na sa 5,218 na mga pilipino sa ibang bansa ang tinamaan ng COVID-19 matapos madagdagan ng 34 bagong kaso.

16 naman ang mga gumaling sa sakit na umakyat na sa 2,167 habang 342 ang bilang ng mga pumanaw.

Facebook Comments