Wednesday, June 10, 2026

Acting Senate President Win Gatchalian, ibinasura ang alok ni Sen. Alan Peter Cayetano na power-sharing

Tinanggihan ni Acting Senate President Win Gatchalian ang ideya ni Senator Alan Peter Cayetano na mag-share sila sa kapangyarihan.

Matatandaang inalok ni Cayetano si Gatchalian na pareho silang maging signatories sa mga dokumento na kailangan para sa Senado at sa impeachment court.

Binigyang-diin ni Gatchalian na hindi ito kailangan dahil klaro sa sesyon ng Senado noong June 3 na eleksyon sa kanya bilang Senate President pro-tempore at ang designation sa kanya bilang acting Senate President.

Dahil dito, hindi aniya posible ang power-sharing dahil isa lang siyang inihalal.

Matatandaang nagdaos ng sesyon ang Senado noong June 3 o bago ang sine die adjournment ng first regular session, kung saan nagkaroon sila ng quorum o naging 12 sila sa plenaryo matapos dumating ni Senator Chiz Escudero.

Facebook Comments