
Tiwala ang Malacañang na igagalang ng liderato ng Iglesia ni Cristo (INC) ang batas at magiging pasiya ng korte sa kaso ni Senador Rodante Marcoleta.
Ito ang pahayag ng Palasyo matapos ang kusang-loob na pagsuko ni Marcoleta kasunod ng inilabas na warrant of arrest ng Sandiganbayan kaugnay ng kasong plunder.
Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, hindi nila pangungunahan ang usapin kung magkakaroon ng malawakang protesta dahil haka-haka pa lamang ito.
Sa halip, binigyang-diin ni Castro na nananatiling mataas ang tiwala ng Malakanyang sa pamunuan ng INC bilang organisasyong gumagalang sa batas at sa mga desisyon ng korte.
Facebook Comments










