TOP 1 MUNICIPAL MOST WANTED SA KASONG STATUTORY RAPE, ARESTADO SA NATIVIDAD, PANGASINAN

Naaresto ng mga operatiba ng Natividad Municipal Police Station (MPS) ang Top 1 Most Wanted Person sa antas ng munisipyo sa isinagawang warrant implementation operation sa Barangay San Miguel, Natividad, Pangasinan noong Hulyo 7, 2026.

Isinilbi ng mga tauhan ng Natividad MPS ang mga warrant of arrest laban sa akusado kaugnay ng kasong Statutory Rape.

Naging maayos at mapayapa ang operasyon, alinsunod sa itinakdang legal na pamamaraan. Ipinaalam sa akusado ang dahilan ng kanyang pag-aresto at ang kanyang mga karapatang nakasaad sa batas.

Matapos ang pag-aresto, dinala ang suspek sa isang pagamutan upang mabigyan ng kinakailangang medikal na atensyon dahil sa malubhang kondisyon ng kanyang kalusugan. Nanatili siyang nasa kustodiya ng pulisya habang hinihintay ang kanyang pagpasok sa ospital at ang kaukulang legal na proseso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments