Naghahanda na ang lokal na pamahalaan ng San Nicolas kasama ang Department of Education para sa nakatakdang Pangasinan Division II Brigada Eskwela Kick-Off Program sa Mayo 30, 2026.
Sa isinagawang pagpupulong ng LGU San Nicolas at DepEd, tinalakay ang mga paghahandang isasagawa upang matiyak ang maayos na pagdaraos ng programa. Kabilang dito ang koordinasyon sa iba’t ibang sektor at stakeholders na inaasahang makikibahagi sa aktibidad.
Ayon sa mga dumalo sa pagpupulong, inaasahan ding magtatayo ng mga booth ang ilang kalahok bilang bahagi ng kanilang suporta sa mga paaralan sa pamamagitan ng donasyon, community initiatives, at iba pang programang pang-edukasyon.
Napagkasunduan ding idaos ang kick-off program sa San Nicolas Municipal Auditorium kung saan inihahanda na ang mga kinakailangang logistics gaya ng stage setup, dekorasyon, seating arrangement, at pagkain para sa mga dadalo.
Samantala, sinabi ng LGU at DepEd na magpapatuloy pa ang serye ng kanilang pagpupulong upang plantsahin ang iba pang detalye para sa pagsasagawa ng Brigada Eskwela kick-off program. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣





