Magkakaroon ng libreng tuli, minor surgery, at health education sa Dagupan City sa Mayo 30 hanggang 31, 2026 bilang bahagi ng isang medical mission para sa mga residente.
Gaganapin ang aktibidad mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon sa West Central Elementary School katuwang ang mga volunteer medical team at lokal na health authorities upang makapaghatid ng libreng serbisyong medikal sa komunidad.
Bukod sa libreng tuli at minor surgery, magkakaroon din ng health education sessions hinggil sa arthritis at iba pang karaniwang health concerns upang mapalawak ang kaalaman ng publiko sa wastong pangangalaga sa kalusugan.
Hinihikayat ang mga residente na samantalahin ang libreng serbisyong medikal at konsultasyon bilang bahagi ng pagsusulong ng accessible healthcare sa lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











