Kasabay ng pagdiriwang ng World Family Doctor Day noong Mayo 19, inilahad ng lokal na pamahalaan ng Mapandan ang mga planong proyekto para sa pagpapalawak ng pasilidad ng BUCAS Center sa Brgy. Torres.
Kabilang sa mga nakatakdang proyekto ang pagtatayo ng air-conditioned waiting area at paglalagay ng water station upang mas mapabuti ang serbisyo at maging maginhawa sa mga pasyente at kliyente partikular sa mga residenteng matagal na naghihintay para sa konsultasyon.
Inaasahan ding makatutulong ang mga planong pasilidad upang maging mas maayos at episyente ang pagtanggap at pag-aasikaso sa mga pasyente ng BUCAS Center.
Sa naturang aktibidad, binigyang-diin ng mga doktor ang dedikasyon ng Family Doctors sa patuloy na pagbibigay ng kalidad na serbisyong medikal sa mga pasyente, katuwang ang lokal na pamahalaan, at mga doktor, nurse, consultant, resident doctor at mga kawani ng BUCAS Center.
Kaugnay nito, bahagi rin ng programa ang isinagawang medical information drive at libreng konsultasyon para sa mga dumalo sa aktibidad.
Kabilang sa mga nakatakdang proyekto ang pagtatayo ng air-conditioned waiting area at paglalagay ng water station upang mas mapabuti ang serbisyo at maging maginhawa sa mga pasyente at kliyente partikular sa mga residenteng matagal na naghihintay para sa konsultasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








