Nagpaalala ang Binmaley Municipal Police Station sa publiko na maging mapagmatyag laban sa mga online scam at phishing na patuloy na nagiging banta sa seguridad ng personal na impormasyon at online accounts.
Ayon sa pulisya, hindi dapat basta-basta nagki-click ng mga kahina-hinalang link o nagbibigay ng sensitibong impormasyon tulad ng OTP, password, at PIN upang maiwasan ang panloloko ng mga cybercriminal.
Pinayuhan din ng Binmaley MPS ang publiko na ugaliing beripikahin muna ang anumang mensahe o alok bago paniwalaan, lalo na kung ito ay “too good to be true.”
Dagdag pa ng pulisya, mahalagang maprotektahan ang mga online account at personal na datos upang hindi mabiktima ng scam.
“Think before you click. Stay alert, stay safe!” paalala ng Binmaley Municipal Police Station sa mamamayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments



