
Pansamantalang sinuspende ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang obligadong paglalagay ng BIR Registration Seal Badge sa mga online platform ng mga taxpayer hanggang sa susunod na abiso.
Ayon sa BIR, sinuspinde ang requirement upang bigyang-daan ang karagdagang pagsusuri at paglilinaw sa mga patakaran at proseso kaugnay ng paggamit at pag-display ng registration seal badge.
Sa ilalim ng Revenue Memorandum Circular No. 113-2026, maaari pa ring gamitin ng mga taxpayer ang seal badge kung nakakuha na sila nito.
Nilinaw din ng BIR na walang ipapataw na multa sa mga hindi magpapakita ng nasabing badge habang umiiral ang suspensyon.
Facebook Comments










