Monday, August 24, 2026

Imbestigasyon sa kaso ng mag-iinang nakitang wala nang buhay sa isang abandonadong sasakyan sa San Rafael, Bulacan, natapos na —PNP

Kinumpirma ni Philippine National Police – Public Information Officer (PNP – PIO) Chief Police Col. Allen Rae Co na natapos na ang imbestigasyon sa kaso ng 31 taong gulang na babae at sa mga anak nito na may edad na 9 at 4 years old na nakitang wala nang buhay sa isang abandonadong sasakyan sa San Rafael, Bulacan nitong August 20.

Ayon kay Co, naisumite na ng Police Regional Office (PRO) 3 ang kanilang ulat kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr. pati na sa pamilya ng nasabing mga biktima.

Ayon kay Co, humiling ang pamilya ng mga biktima na respetuhin ang kanilang privacy lalo na sa ngayon ay nagluluksa pa ang mga ito.

Ayon pa kay Co, gusto man ibahagi ang naging resulta ng imbestigasyon ay may karapatan din ang pamilya ng mga nasabing nasawing indibidwal sa kanilang privacy.

Facebook Comments