
Dulot ng nakaaalarmang mga insidente ng karahasan sa eskuwelahan, isinusulong sa Kamara ang total ban sa social media at online gaming para sa mga batang edad 13 pababa.
Para sa mga edad 14 hanggang 17, planong i-regulate naman ang paggamit nito.
Ayon kay Pasig Rep. Roman Romulo, kailangan din munang humarap sa Pilipinas ang mga foreign online platform bago payagang mag-operate sa bansa.
Suportado rin ni Sen. Win Gatchalian ang panukalang ito.
Matatandaang hiniling ni Senator Risa Hontiveros noon na ipatawag ang GoreBox Game Developer mula sa Germany upang imbestigahan ang naturang online games.
Bunsod nito, plano rin ng Kongreso na magtatag ng classification board para sa online gaming platforms upang magsilbing gabay para protektahan ang mga menor-de-edad.
Sa ikalawang linggo ng Setyembre target na matapos ang mga pagdinig.










