
Pinayagan ng Sandiganbayan Fifth Division ang pansamantalang paglabas ni Senator Jinggoy Estrada mula sa Quezon City Jail para sumailalim sa knee X-ray sa isang pribadong ospital sa Miyerkules, August 26.
Ayon sa court order, alas-11 ng umaga siya maaaring lumabas ng kulungan at sasailalim sa procedure pagsapit ng ala-una ng hapon, kasama ang mga security escort.
Sagot ni Estrada ang lahat ng gastusin sa ospital, medical fees at transportasyon.
Kailangan namang maibalik si Estrada sa Quezon City Jail nang hindi lalampas ng alas-3 ng hapon sa parehong araw.
Facebook Comments










