
Nais ng Philippine National Police (PNP) na higit pang mapalakas ang pagpapatupad ng Sim Card Registration Act sa pamamagitan ng mga hakbang na makatutulong sa mas epektibong pagtugon sa mga cybercrime.
Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., nakahanda ang PNP na makipagtulungan sa mga mambabatas at iba pang stakeholder sa pagsusuri sa mga probisyon ng batas at magmungkahi ng mga hakbang upang higit itong maging epektibo lalo na sa pagtugis sa mga cybercriminal at iba pang iligal na aktibidad online.
Aniya, inatasan na nya ang legal team ng PNP na tingnan ito ng mabuti at magbigay ng nararapat na mga rekomendasyon.
Tiniyak naman ng PNP na habang pinag-aaralan ang mga pagbabago sa batas ay ipagpapatuloy nila ang mga operasyon laban sa cybercrime.










