Lumagda sa Memorandum of Agreement (MOA) ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Balungao District Jail at Department of Health – Drug Treatment and Rehabilitation Center (DOH-DTRC) Dagupan noong Nobyembre 11, 2026.
Isinagawa ang paglagda sa tanggapan ng DTRC Dagupan bilang bahagi ng pagtutulungan ng dalawang ahensya upang mapalawak ang serbisyong panggamot at rehabilitasyon para sa mga person deprived of liberty (PDL).
Sa ilalim ng kasunduan, magkakaloob ang DOH-DTRC ng drug dependency examination at iba pang serbisyo para sa mga PDL na nangangailangan ng tulong kaugnay ng paggamit ng droga.
Sa pamamagitan nito, inaasahang mas mapapalakas ang pagbibigay ng angkop na paggamot at patuloy na suporta sa mga PDL na sumasailalim sa rehabilitasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








