Motor tug, lumubog sa San Juan, Batangas

Nagresponde ang Philippine Coast Guard (PCG) sa lumubog na motor tug, M/TUG STRONG BRAVERY sa Barangay Subukin, San Juan, Batangas.

 

Nabatid na dahil sa malakas na alon ay pinasok ng tubig ang loob ng motor tug at lumubog ito.

 

Agad naman na inabandona ng crew members ang sasakyang pandagat at pawang ligtas ang mga ito.


 

Maagap naman ang mga tauhan ng PCG sa pagkontrol sa pagkalat ng oil spill mula sa lumubog na motor tug.

 

30 to 40 liters ng oil patches ang nakitang natapon sa karagatan.

Facebook Comments